Saturday, 26 September 2015

Komakad

BALBAL DITO, BALBAL DOON, PURO KABALBALAN SA WIKANG KINAGISNAN

PANIMULA
   Ang wika ay kaluluwa at salamin sa pagkatao ng isang bansa." Ang wika ay sadyang mahalaga. Ito ang nagbubuklod sa bawat tao hindi lamang dito sa Pilipinas kundi maging sa mga ibang bansa rin. Paano kung iniiba na ito ng mga kabataan ngayon magiging isa pa ba ito salamin sa pagkatao ng isang bansa? Nagiging isang balbal o islang ay ang pamantayang paggamit ng mga salita sa isang wika ng isang partikular na grupo ng lipunan. Tinatawag din itong salitang kanto o salitang panlansangan. Ito ang mga salitang nabuo o nalikha sa impormal na paraan. Ito rin ang mga salitang nabuo sa mga pinagsama-sama o pinagdugtong na salita na maaring maging mahaba o maikli lamang.

    Huwag nating hayaang patuloy na lumaganap ang mga salitang hindi naman natin alam kung ano ang pinagmulan at paano ito patuloy na ginagamit ng kabataan ngayon.
   Sa adbokasiyang ito, mumulat ang mga Pilipino na makita ang epekto ng balbal na salita sa atin. Makikita at maliliwanagan ang isip ng bawat isa kapag nabasa nila ang layunin at mithiin ng papel na ito. Lahat tayo ay may kanya kanyang opinyon pero iisang misyon, iyon ay ang mapanatili ang pagusbong ng ating wika. Hindi lamang ito makakabuti sa iisang indibidwal kung hindi itoay para sa iisang bansa at pangkalahatang grupo.
MUNGKAHI NG TITULO
   Sa bagong panahon na kinagisnan ay marami ng nagiba sa Wikang Filipino dahil ng impluwensiya ng makabagong mundo sa kultura ng mga Filipino. Internet trends at ang iba’t ibang uri ng medya ang nagbigay daan upang maimbento ang “jejemon” at fliptop na ngayon ay naging tanyag na parte ng wikang gamit ng mga kabataan sa di makabuluhan o angkop na bagay. 
    Kaya’t ang titulo na “Balbal dito, balbal doon, puro kabalbalan sa wikang kinagisnan”ay angkop sa tema na nagaganap sa Wikang Filipino. Kung saan halos mga balbal na salita ang maaaring marinig o makita sa pampublikong lugar at medya.
  Napili namin ang paksang ito dahil sa lumalaganap at napapansing inpormal na salita sa mga kapwa kabataan namin. Sa kasalukuyang panahon kung saan libre at kalat na ang medya. Ito ngayon ay nagging uri narin ng mabilisang komunikasyon ng mga tao. Kaya’t ang medya ay maituturing malaking impluwensiya sa paglago ng wikang Filipino sa ikabubuti at sama nito.Mahalagang matutunan ng mga kabataan ang tamang wika at gamitin ito ng wasto. Sa pamamagitan ng aming napiling adbokasiya mas lilinang sa mga utak ng kabataan na hindi dapat o ayon ang mga salitang kanilang nakasanayan sa publiko.
RASYUNAL , MITHIIN, AT LAYUNIN
                    Sa paksang aming tinalakay, inaasahan naming may mga magagandang maidudulot ito sa Wikang Filipino. Nais naming mas maging bukal o mas umusbong ang Wikang Filipino. Nais naming mabawasan ang mga inpormal na salita na lubhang nakakaapekto sa ating wika. Inaasahan naming sa pamamagitan ng nasabing adbokasiya ay may mga kabataan kaming maimpluwensiyahan na tularan ang Wikang Filipino. Inaasahang sa susunod na henerasyon ay mas maigting ang kapit ng wikang kinagisnan natin. Hinahangad ng proyektong ito na maipreserba ang Wikang Filipino para sa hinaharap mula sa mga nakakahamak na epekto ng medya na maituturing na balbal at walang saysay.
   Isa sa mga layunin ng adbokasiyang  ito ay makapagbigay kaalaman. Pangalawa, ang pananaliksik na ito ay para mapalawak ang bawat pag-iisip ng mga kabataan. Pangatlo, ang layunin nito ay maipabatid sa mga kabataan na nasa mababang antas ng lipunan ang epekto at bunga ng malimit na paggamit ng salitang panglansangan.                   
     DISENYO NG PROYEKTO: ADBOKASIYA
      Ang balbal ay ang pamantayang paggamit ng mga salita sa isang wika ng isang particular na grupo ng lipunan. Mapapansin natin na lumalaganap na ang salitang kalye sa wikang ating kinagisnan. Samu’t saring salita ang hindi maintindihan sa ating lipunan dahil sa mga nabuong salita sa inpormal na pamamaraan. Mapapakinig mo ang mga salitang balbal na ito maging sa kainan, kwentuhan, lansangan at naging   kasama na sa pangaraw araw na pamumuhay. Ang antas ng lipunan na lalong nanghihikayat sa mga kabataang naninirahan sa mababang antas ng lipunan at makabasag tenga naman sa hanay ng mayayaman. Mahalagang maikalap ang paksa tungkol sa balbal na salita dahil sa mga ilang suliranin na kinakaharap ng mga kasalukuyan at mga susunod pang kabataan sa ating henerasyon. Ang paksang ito ay kailangan upang maagapan pa ang lalong pagkalat ng mga hindi kaayon-ayon na salita sa publiko tulad ng mga ermat, erpat, mudra, pare, mare at iba pa.
                                         
                              BENEPISYO AT INAASAHANG RESULTA 
   
       Higit na  makikinabang dito ang mga kabataan na kasalukuyang nagaaral pa, mapapublic at private schools, pati na rin ang mga guro sa paaralan. Sa adbokasiyang ito, matuturuan ang mga kabataan o malimitahan ang pagsasalita nila ng balbal na salita.

      Ito ay pra sa kabataan upang lumawak ang pang-unawa at maging bukas ang iisipan sa maaring ibunga nito sa susunod na henerasyon. 

   Kabataang madaling maimpluwensiyahan ng mga bagay bagay na naririnig ng hindi inaalam kung ito ay tama o mali. 

  Ito ay para sa kabataang nasa lipunan na lugmok na sa masamang gawi sa gayon ay mabigyan sila ng aral na maging mapang-unawa at nang maiwaksi ang mga salitang panlansangan.

    Ang adbokasiyang  ito ay para sa lahat ng kabataan sa henerasyon ngayon at maging sa mga taong naninirahan sa iba’t ibang antas ng lipunan.
 
   
Hindi maiiwasan na ang mga mag-aaral ay susunod kung ano ang uso. Kung kayat isinagawa naming ang pananaliksik na ito upang maibahagi ang natatanging kaalaman upang ang mga kabataang ito ay makapag-isip kung kanila ba ay ipagpapatuloy ang gawaing mali.  
    
   Ang adbokasiyang  ito ay hindi lamang para sa kanila kundi ay para sa amin ding mananaliksik na lubos na naunawaan ang ugat at ibubunga ng mga gawaing ito. Kailangan lamang ipabatid ang mensaheng ito upang kanilang mapagtantong may panahon pa upang magbago.
  
   Inaasahang magkaroon ng mabuting resulta pagkatapos maipasatupad ang aming napiling adbokasiya. Unti unting uusbong at maiiwasang kumupas ang ating wika. Maiiwasan ang gulo o hindi pagkakaintindihan sa komunikasyon kapag naiwasan ang paggamit ng salitang balbal. Magkakaroon ng iisang wika at diwa ang mga Pilipino.

https://www.scribd.com/doc/121327323/Epekto-Ng-Paggamit-Ng-Balbal-Na-Salita-Ng-Mga-Mag#scribd

   

7 comments:

  1. Maganda ang topic na napili. :) Sana ay maraming kabataan pa ang makabasa nito. :)

    ReplyDelete
  2. Napakahusay ng blog na ito. maraming matututunan ang mga kabataang katulad ko :)

    ReplyDelete
  3. Mahusay na pagpapahayag ng saloobin! good job :)

    ReplyDelete
  4. Epektib ito para sa mga kabataan na exposed sa lansangan. Marapat na basahin ito ng lahat para mas maunawaan ang epekto ng balbal na salita.

    ReplyDelete
  5. This comment has been removed by the author.

    ReplyDelete
  6. Maganda ang nilalaman nitong blog na ito, nararapat lamang nabasahin ang nakapaloob dito dahil makakapagpapulat ito para sa ating mga Pilipino na d na talaga natin nagagamit ang ating wika ng ayos. Hindi sayang ang oras kung babasahin ito dahil may mapupulot na mag paparealize satin at mag dudulot nag pag iisip na talagang iba na ang gamit ng wika ngayon sa bagong henerasyon Job well done. ☺

    ReplyDelete