BALBAL DITO, BALBAL DOON, PURO KABALBALAN SA WIKANG KINAGISNAN
PANIMULA
Ang wika ay kaluluwa
at salamin sa pagkatao ng isang bansa." Ang wika ay sadyang mahalaga. Ito
ang nagbubuklod sa bawat tao hindi lamang dito sa Pilipinas kundi maging sa mga
ibang bansa rin. Paano kung iniiba na ito ng mga kabataan ngayon magiging isa pa
ba ito salamin sa pagkatao ng isang bansa? Nagiging isang balbal o islang ay ang pamantayang paggamit ng mga
salita sa isang wika ng isang partikular na grupo ng lipunan. Tinatawag din
itong salitang kanto o salitang panlansangan. Ito ang mga salitang nabuo o
nalikha sa impormal na paraan. Ito rin ang mga salitang nabuo sa mga
pinagsama-sama o pinagdugtong na salita na maaring maging mahaba o maikli
lamang.
Huwag nating hayaang patuloy na lumaganap
ang mga salitang hindi naman natin alam kung ano ang pinagmulan at paano ito
patuloy na ginagamit ng kabataan ngayon.
Sa adbokasiyang ito, mumulat ang mga Pilipino na makita ang epekto ng
balbal na salita sa atin. Makikita at maliliwanagan ang isip ng bawat isa kapag
nabasa nila ang layunin at mithiin ng papel na ito. Lahat tayo ay may kanya
kanyang opinyon pero iisang misyon, iyon ay ang mapanatili ang pagusbong ng
ating wika. Hindi lamang ito makakabuti sa iisang indibidwal kung hindi itoay para sa iisang bansa at pangkalahatang grupo.
MUNGKAHI NG TITULO
Sa bagong panahon na kinagisnan ay marami ng
nagiba sa Wikang Filipino dahil ng impluwensiya ng makabagong mundo sa kultura
ng mga Filipino. Internet trends at ang iba’t ibang uri ng medya ang nagbigay
daan upang maimbento ang “jejemon” at
fliptop na ngayon ay naging tanyag na parte ng wikang gamit ng mga kabataan sa
di makabuluhan o angkop na bagay.
Kaya’t ang titulo na “Balbal dito, balbal doon, puro
kabalbalan sa wikang kinagisnan”ay angkop sa tema na nagaganap sa Wikang
Filipino. Kung saan halos mga balbal na salita ang maaaring marinig o makita sa
pampublikong lugar at medya.
Napili
namin ang paksang ito dahil sa lumalaganap at napapansing inpormal na salita sa
mga kapwa kabataan namin. Sa kasalukuyang panahon kung saan libre at kalat na
ang medya. Ito ngayon ay nagging uri narin ng mabilisang komunikasyon ng mga
tao. Kaya’t ang medya ay maituturing malaking impluwensiya sa paglago ng wikang
Filipino sa ikabubuti at sama nito.Mahalagang matutunan ng mga kabataan ang
tamang wika at gamitin ito ng wasto. Sa pamamagitan ng aming napiling
adbokasiya mas lilinang sa mga utak ng kabataan na hindi dapat o ayon ang mga
salitang kanilang nakasanayan sa publiko.
Sa paksang aming
tinalakay, inaasahan naming may mga magagandang maidudulot ito sa Wikang
Filipino. Nais naming mas maging bukal o mas umusbong ang Wikang Filipino. Nais
naming mabawasan ang mga inpormal na salita na lubhang nakakaapekto sa ating
wika. Inaasahan naming sa pamamagitan ng nasabing adbokasiya ay may mga
kabataan kaming maimpluwensiyahan na tularan ang Wikang Filipino. Inaasahang sa
susunod na henerasyon ay mas maigting ang kapit ng wikang kinagisnan natin.
Hinahangad ng proyektong ito na maipreserba ang Wikang Filipino para sa
hinaharap mula sa mga nakakahamak na epekto ng medya na maituturing na balbal
at walang saysay.
RASYUNAL , MITHIIN, AT LAYUNIN
Isa
sa mga layunin ng adbokasiyang ito ay makapagbigay
kaalaman. Pangalawa,
ang pananaliksik na ito ay para mapalawak ang bawat pag-iisip ng mga kabataan. Pangatlo,
ang layunin nito ay maipabatid sa mga kabataan na nasa mababang antas ng
lipunan ang epekto at bunga ng malimit na paggamit ng salitang panglansangan.
Ang balbal ay ang pamantayang paggamit ng mga salita sa isang wika ng isang particular na grupo ng lipunan. Mapapansin natin na lumalaganap na ang salitang kalye sa wikang ating kinagisnan. Samu’t saring salita ang hindi maintindihan sa ating lipunan dahil sa mga nabuong salita sa inpormal na pamamaraan. Mapapakinig mo ang mga salitang balbal na ito maging sa kainan, kwentuhan, lansangan at naging kasama na sa pangaraw araw na pamumuhay. Ang antas ng lipunan na lalong nanghihikayat sa mga kabataang naninirahan sa mababang antas ng lipunan at makabasag tenga naman sa hanay ng mayayaman. Mahalagang maikalap ang paksa tungkol sa balbal na salita dahil sa mga ilang suliranin na kinakaharap ng mga kasalukuyan at mga susunod pang kabataan sa ating henerasyon. Ang paksang ito ay kailangan upang maagapan pa ang lalong pagkalat ng mga hindi kaayon-ayon na salita sa publiko tulad ng mga ermat, erpat, mudra, pare, mare at iba pa.DISENYO NG PROYEKTO: ADBOKASIYA BENEPISYO AT INAASAHANG RESULTA Higit na makikinabang dito ang mga kabataan na kasalukuyang nagaaral pa, mapapublic at private schools, pati na rin ang mga guro sa paaralan. Sa adbokasiyang ito, matuturuan ang mga kabataan o malimitahan ang pagsasalita nila ng balbal na salita.
|